You're viewing:
Home
Other Sites
PH

Real talk: Mga hugot ng isang OFW tita

tungkol sa padala at pagmamahal

Magpa-Pasko na naman! Madami sa mga kababayan natin ang excited nang umuwi sa mga mahal nila sa buhay matapos ang matagal na hindi pagkikita nang personal.  

 

Isa na dito si Anne, isang teacher sa Hong Kong na hindi na halos makatulog dahil gustong-gusto nang makita ang pamilya niya sa Pilipinas. Basahin natin ang sulat ni Anne para kay Gerald, and kanyang paboritong kuya: 

 

Hi Kuya Gerald, 

 

Advanced Merry Christmas! Excited na ako umuwi para makita kayo nila mama at papa, pati ang wife mo at yung dalawang chikiting! Ipapakita ko ulit kila Ben at Kayla kung bakit ako ang favorite ninang nila! Dalawang balikbayan box ang napuno ko ng pasalubong, I’m sure matutuwa sila pag-uwi ko. 

 

Ito talaga ang paboritong time ko buong taon, ang pag-uwi sa Pilipinas kada Pasko. Pasensiya na kayo at nagtipid  ako talaga lately, kaya ‘di ko na magawa yung araw-araw na video call. Konting tiis para mas maraming mailagay sa balikbayan box! 

 

Grabe, four years pa lang ako dito sa Hong Kong, pero ang dami ko na talagang napagdaanan. Siyempre, madami din akong natutunan, sana maging proud ka sa ‘kin!  

 

Pinakauna kong natutunan ay ang unahin ang mga needs bago mga luho. Tama ka noong sinabi mo sa ‘kin dati na ‘pag kumikita na ako ng sarili kong pera, parang lahat gusto ko bilhin. Madaming beses na ako muntik magsunod-sunod na “treat yourself” sa mall, pero habang tumatagal ako abroad, na-realize ko na panandalian lang pala ang saya na dala ng pagwawaldas ng pera sa shopping

 

Tuwing nakikita ko na maayos ang kalagayan ninyo diyan, nakakatulong ako kahit papaano sa pagbayad ng tuition ng mga pamangkin ko, o kahit makita ko lang na kumpleto ang grocery ni mama dahil sa padala ko – doon ako mas sumasaya! ‘Yung luho, nakakapaghintay. Pero ‘yung peace of mind, sulit agad! 

 

Natutunan ko rin pala na talagang ang hirap kumita ng pera. Kada piso galing sa extra shift, overtime, tsaka weekend na dapat pahinga pero sige pa rin – laban lang! Ang galing ko na nga mag-compute ng palitan ng dolyar tsaka remittance fees e, kasi kada sentimo talaga pinagpawisan ko. Kaya tuwing nagpapadala ako, hindi lang talaga ‘yan pera.  Oras, puyat, at pagmamahal yan na naka-convert sa peso – dahil love ko kayo!

 

Buti na lang walang bank fees at hidden charges ‘pag nagpapadala ako ng pera sa CIMB account mo, kaya walang gulatan na extra gastos! Sulit ang pagpapadala at instant pa dumating, kaya bawas pag-aalala din sa akin kung nakakarating yung pinaghirapan kong padala.  

 

Hay. Excited na talaga ako umuwi, ilang tulog na lang! Paki-ready na lang din ang paborito kong sinigang pag-uwi ko ha! Labyu, kuya! Kitakits sa December! 

 

Love, 

Anne 

 

---  

 

Tuwing Kapaskuhan ang kasagsagan ng pagpapadala ng remittance sa bansa, dahil maraming OFW ang gustong magpasaya ng kani-kanilang mga pamilya, malayo man sila.  Gaya ni Anne, pwede ring mapadali ang pagpapadala ng pera sa kamag-anak mong nasa Pilipinas.  Para sa mga Pinoy abroad, hatid ng CIMB Bank Philippines ang CIMB Kababayan, kung saan mas pinadali na ang pagbubukas ng savings account kahit nasa abroad, gamit ang inyong international SIM. Isang valid ID lang ang kailangan at makakapagbukas ka na ng savings account – walang minimum deposit at walang maintaining balance pa! 

 

Pwede na rin mag-direct credit ng remittance  sa mga CIMB account – walang pila, walang abala, at walang hidden fees. Pwede ka pa magpadala mula sa 170 na bansa, at diretso nang matatanggap sa CIMB Bank PH mobile app. Sigurado ka pa na ligtas at mabilis ang remittance mo – dahil sa tulong ng CIMB, bawat pisong pinaghirapan mo, diretso na sa mga taong mahal mo. 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CIMB Kababayan, bisitahin ang www.cimbbank.com.ph/kababayan


#Business